BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Thursday 22 September 2011

"Habang my Buhay my Pag-asa"

Sa buhay natin maraming pagsubok at problema ang dumarating.Kadalasan ang mga problemeng ito ay nagmumula sa pamilya, kaibigan, pag-aaral at sa personal na buhay.Mga problemang nagiging dahilan kung bakit tayo lumalakas at tumitibay. Problemeng binibigay ng Diyos upang tayo'y tumayo sa sarili nating mga paa.
Bawat isa sa atin ay my sari-sariling problemeng kinakaharap na kadalasan ay basta nalang nating iniiwasan.Minsan pa nga sa problemeng ito tinatanong natin ang Diyos sa ating isipan kung bakit napakahirap ng problemeng kanyang binibigay sa atin?.Na minsan pa nga iniisip ng iba na di tayo mahal ng Diyos.Pero hindi ba natin naisip na mga pagsubok lamang ito ng Diyos sa atin?. Mga pagsubok na kung hanggang saan ang kaya natin.Pagsubok na dapat nating lagpasan at pagsubok kung hanggang saan ang pananampalataya natin sa kanya.Lagi nating tatandaan na "GOD NEVER SETS A LIFE WITHOUT A PURPOSE".Kaya habang may buhay may pag-asa at huwag nating kalimutan ang Amang lumikha na nabigay ng buhay upang tayo'y mailigtas sa kapahamakan.Mahal tayo ng Diyos.

0 comments: